Eschatology
Paglalarawan ng Kurso
Ang kursong ito ay nag-aaral sa mga doktrinang Kristiyano tungkol sa mga huling panahon, batay sa Kasulatang propetiko sa Biblia. Binibigyang-diin ng kurso ang mga pangunahing doktrina tulad ng pagbabalik ni Kristo, ang huling paghuhukom, at ang walang hanggng kaharian ng Diyos. Ang kurso ay naghahayag ng iba’t-ibang kontrobersiya hinggil sa mga huling panahon subali’t hindi nito nilulutas ang lahat ng usapin. Kabilang sa kurso ang pag-aaral sa Biblia sa mga aklat ni Daniel at Pahayag, kasama ang iba pang seksyon ng mga Kasulatang propetiko.
Mga Layunin ng Kurso
(1) Upang basahin at obserbahan ang nilalaman ng propetikong Kasulatan.
(2) Upang matutuhan ang mga salita at mga dakilang tema ng eschatology.
(3) Upang makita ang kaugnayan sa pagitan ng mga doktrina eschatology at iba pang doktrinang Kristiyano.
(4) Upang makita ang kaibahan ng kinakailangan at mga mapagtatalunang doktrina ng eschatology.
(5) Upang maunawaan kung paano mapananatili ng isang Kristiyano ang pananampalataya sa panahon ng paghihirap, sa mga sakuna, at mga kalagayan sa mundo na tila sumasalungat sa pananampalataya.
(6) Upang matutuhan ang di-nagbabagong pamumuhay Kristiyano na naaayon sa mensahe ng propetikong Kasulatan.
Mga pamagat ng aralin
Ang Kahalagahan ng Eschatology
Mga Natuapad na Propesiya at Ang Israel
Introduksiyon sa Kasulatan ng mga Pahayag
Ang Mga Dakilang Tema ng Pag-aaral sa Mga Huling Araw
Ang Sermon sa Bundok ng Olibo
Ang Aklat ni Daniel (Unang Bahagi)
Ang Aklat ni Daniel (Ikalawang Bahagi)
Ang Aklat ng Pahayag (Unang Bahagi)
Ang Aklat ng Pahayag (Ikalawang Bahagi)
Ang Millennium
Ang Dakilang Kapighatian
Ang Rapture
Ang Usapin ng Pagdurusa
Ang Pananaw ng Kristiyano sa Pag-uusig
Isang Bagong Mundo