Mga Relihiyon sa Mundo at Mga Kulto
Paglalarawan ng Kurso
Ipinapaliwanag ng kursong ito ang mga pangunahing paniniwala at kasaysayan ng labingwalong piling kulto at relihiyon, inihahambing ang mga ito sa pangkasaysayang Kristiyanismo at sinusuri ang kanilang mga doktrina at mga isinasagawa na ayon ng Biblia. Ang mag-aaral ay magiging handa na tumugon sa mga pagkakamali ng mga maling relihiyon at mapangangalagaan ang mga Kristiyano mula sa panlilinlang.
Mga Layunin ng Kurso
(1) Upang tulungan ang mga Kristiyano na maunawaan ang mga pangunahing doktrina ng ilan sa mga pinakamaimpluwensiyang kulto at relihiyon.
(2) Upang tulungan ang mga Kristiyano na maunawaan kung bakit nakakasama ang ilang tiyak na maling doktrina.
(3) Upang bigyang-kakayahan ang mga pastor na protektahan ang kanilang kongregasyon mula sa impluwensiya ng mga kulto.
(4) Upang sanayin ang mga Kristiyano sa mga tugon ayon sa Biblia para sa mga kamalian ng mga kulto.
(5) Upang bigyan ng mga praktikal na direksiyon sa pag-eebanghelyo sa mga miyembro ng mga kulto.
Mga pamagat ng aralin
Pag-unawa sa Hindi Pagkakasundo ng Mga Relihiyon
Mahahalagang Punto ng Ebanghelyo
Mormonismo
Saksi ni Jehovah
Iglesia ni Cristo
Eastern Lightning/Iglesya ng Makapangyarihang Dios
Teolohiya ng Kasaganahan
Apocalyptic Cults Mga Kulto sa mga Huling Araw Ayon sa Pahayag
Hinduismo
Buddhismo
Taoismo
Islam
Judaismo
New Age Religion
Animismo
Voodoo
Pag-unawa sa Sabadista
Pag-unawa sa Katolisismong Romano
Pag-unawa sa Eastern Orthodoxy
Pag-unawa sa United Pentecostalism