Introduksiyon sa Apologetics
Paglalarawan ng Kurso
Itinuturo ng kursong ito ang batayang pang-agham, pangkasaysayan, at pilosopiko para sa pananaw sa mundo ng Kristiyano, at ipinapakita kung paano ang pananampalatayang Kristiyano ay naaayon sa katwiran at katotohanan.
Mga Layunin ng Kurso
(1) Upang maunawaan ang kaugnayan ng apologetics at ng Mabuting Balita (Aralin 1)
(2) Upang tumugon sa mga karaniwang maling paniniwala tungkol sa apologetics (Aralin 2).
(3) Upang maunawaan ang mga ebidensiya o patunay na may Dios (Aralin 3)
(4) Upang pahalagahan ang mga ebidensiya ng paglikha (Aralin 4)
(5) Upang maisaulo ang pangkalahatang pangangatwiran sa katotohanan ng Kristiyanismo (Aralin 5)
(6) Upang kilalanin ang mga ebidensiya na mapagkakatiwalaan ang Bagong Tipan (Aralin 6)
(7) Upang kilalanin ang kahalagahan ng natupad na propesiya bilang patotoo sa pagiging Dios ni Jesus (Aralin 7)
(8) Upang i-evaluate ang ebidensiya ng Muling Pagkabuhay ni Cristo Jesus (Aralin 7)
(9) Upang maunawaan ang pagpapahayag ni Jesus na Siya ay Dios, at ang angkop na tugon sa mga pahayag na iyon (Aralin 8)
(10) Upang tugunin ang mga tanong patungkol sa pagiging katangi-tangi ng pananampalatayang Kristiyano, ang doktrina ng Trinidad, animism, at ang kahahantungan ng mga hindi kailanman narinig ang mabuting Balita (Aralin 9)
Mga pamagat ng aralin
Introduksiyon sa Apologetics
Mga Maling Kuro-kuro tungkol sa Apologetics
Mayroon Bang Dios?
Pangangatwiran Para sa Paglikha
Ang Pangkalahatang Argumento para sa Pananampalatayang Kristiyano
Mapagkakatiwalaan ang Bagong Tipan
Propesiya Tungkol sa Mesiyas at ang Muling Pagkabuhay
Ang Pag-Angkin ni Hesus na Siya ay Dios
Ang Pagiging Katangi-tangi ng Kristiyanismo sa Mundo ng mga Relihiyon